Free Counter
Free Counter
Coffy Angel

Coffy Angel

Share This

Got my personalized shoes “Amy Winehouse”. Thanks to https://www.facebook.com/angtambayans  love it! :)



Ang saya maging bata wala kang iniisip na problema. Di ko man lang naenjoy childhood life ko. :(


Lord paabutin nyo naman po sana buhay ko hanggang makauwi ermat ko. Nagiingat nga ako sa labas isang bala lang pala katapat namin dito sa bahay.


Sing from ur heart.


Angel Version 2.0

Naisipan ko lang mag blog… teka anong isusulat ko? Walang akong maisip’ potek… (after 38mins)

Heto ako ngayon kasalukuyan nakikinig sa napakagandang kantang Moody’s Mood for Love sa istilo ni Amy Winehouse. Grabe! 2 months straight eto na lang pinapakinggkan ko, adik lang? hahaha!

Nga pala magtatanong kayo kung bakit Version 2.0, eh pano isa na akong kapakipakinabang na nilalang. Kung dati ang gawain ko lang ay komontra sa mga rules at maging kontrabida sa mga kaclose ko… ngayon ay may trabaho na ako! yehey! sa wakas! xD Tuwang tagumpay lang xD

Actually almost 2mos na ako sa work ko now ko lang naisipan magblog di ko naman kasi inaasahan na mkakatagal ako sa pinasukan ko. Higit pa sa butas ng karayom ang dinaanan namin bago makapasok kung nasaan man kami ngayon. Achievement talaga! Nakakalungkot ngalang dahil madalas ako nasa bottom agents. Di ako nalulungkot for myself… nakakalungkot kasi yung nahahatak ng score ko yung score ng buong team. Alam mo yung ang taas na ng naakyat ng karamihan taz eto naman ako nadulas pababa ng bundok. Pero keribels! Enjoy nga ako makipagusap sa mga customers eh wag lang irate’ potek. Well kasama na talaga yun sa buhay. Sabi naman ni tl may improvement naman ako hehehe! Masaya naman sa work, nakahanap nga ako ng pangalawang pamilya.. sanggang dikit lahat tinalo pa namen ang United Nations xD

imageimage

image

image

image

Si Arjay. Si arjay pinakauna kong nakausap sa team. First day of training yun’ pagpasok ko sa training room sya palang tao.. naka na’ EARLY BIRD! xD First impression ko kay Arjay mabait at matalino. Potek nung nagpakilala na Valedictorian pala ang lolo mo. Sya din madalas gusto ko kapartner pag practice ang galing kasi magspiel, may natututunan ako.

Si Sara. Si Sara naman ang katabi ko sa training room. Gusto ko rin kausap si Sara kasi english ng english parang nattrain na din yung listening at comprehension skills ko… hinahawakan ko nga ilong ko minsan baka may tumutulo ng dugo eh. Naiyak ako nung na-eliminate sya sa training kasi talagang nakikita kong gusto talaga nya makapasa kaso wala eh.

Si Rome. Napapansin ko lang si Rome kasi madalas ko nakakasabay sa elevator pag papasok na. Tahimik lang taz ipapakita yung dimple’ ibig sabihin non HELLO! hahaha! Nakapartner ko sya once sa training, slang kung slang ang lolo mo kung magsalita. Yung tipong pagtapos nya magsalita ang masasabi mo na lang ay… “Ha?” . Advice nya saken magRAPOR daw ako sa kausap ko… until now di ko parin matutu-tutunan.

Si Paula. Small but terrible. Etong babaitang to’ di mo man lang makikitaan ng kaba simula training hanggang ngayon consistent. Magaling na bata! Sa lahat sya pinaka-superduper close ko. Prangka din kasi at always go sa galaan I love her talaga. At syempre pag najejerbakz na me she’s always there for me moral support hahaha! Alam mo na Boom? ;D

Si Ross. Si Ross isa sa nagbibigay buhay sa team eh pano tawa palang nya nakakatawa na. hahaha! Tsaka ang cool din kasi lahat ng uri ng tao kaya nya pakisamahan.

Si Mami Bing. Honestly first day of training palang may feeling ako na sa aming lahat sya ang pinaka-hindi ko makakasundo. I don’t know why.

Si Tin. Eto naman si Tin ang pinakamabait sa lahat yung tipong gusto mo ng kotongan sa sobrang bait. Sya yung tipo ng tao na kahit wala ng matira sa kanya hala sige bigay pa din sa iba… pili pili din Babe ng tinutulungan pag may time. hahaha! At saka kung saan dapuan ng antok—tulog agad. Ibang klase’ xD

Si Ricky. Si Ricky Boy na akala ko asawa ni Mami Bing. hahaha! Masaya din kasama si Ricky.. taga-tawa xD Ano pa bang masasabi ko kay Ricky… ay kakantahan ko nalang sya ng kantang Torpedo http://youtu.be/A20UBFNNdSs


Badtrip! wala sa tono yung background music pati manok lakas maka-back up vocals xD (Lakas maka-wala sa tono) ^.^

JutGiveMeAReason


Places to See Before I Die

PHILIPPINES. Love your own ika nga. Syrempre bago ako lumayo eh libutin muna natin ang Pinas’ Yey!

1. Batanes. Feel ko lang mag-ala-diwata dito. Sa tv ko pa lang nakikita pero nalove at first sight na ako sa Batanes. Gusto ko rin mahawakan ang mga bahay na bato.

2. Ilocos. Gusto ko lang magpapicture sa windmills at sa mga bahay sa Vigan. Parang nagtime travel lang sa panahon ng mga Espanyol. Ola!

3. Intramuros. At ang pinakamalapit na di ko mapunta-puntahan dahil walang gusto sumama sa akin. Prone akong maligaw kaya ayoko bumyahe mag-isa. xD

THAILAND. My ultimate dream is to visit this amazing country. Syempre bukod sa pangarap kong mafeature sa Thai Horror Movie ay gusto ko rin magshopping sa Floating Market at mabisita ang naglalakihang Templo at Buddha dito.

GERMANY. Dahil sa mga kwento ni Lola tungkol sa bansang Aleman eh bata palang ay na-curios na ako. Ano nga bang meron dito at nagsisi si Lola nang bumalik sya sa Pinas’

GREECE. A part of me believe in Greek Mythology kaya naman gusto ko pumunta dito para… magpapicture! Konek? hahaha!

***more sa pagbabalik ko ;)

NOTE: All pics are from Google. 


Bakit kaya?

kanina pa ako naiinis… inis sa mundo, inis sa buhay ko at inis sa lahat ng bagay until nabasa ko eto: “ Don’t think of yourself as an ugly person. Think of yourself as a beautiful monkey. " bigla akong natawa. hahaha! wala lang… hahahaha! xD


Quezon Memorial Circle

Quezon Memorial Circle


113
To Tumblr, Love PixelUnion